KAHIT hindi kasama sa cast, ipino-promote ni Ryza Cenon ang Luck at First Sight dahil kasama sa cast ang boyfriend niyang si Cholo Barretto bilang si Boggs na may kissing scene raw kay Kim Molina. Alam kaya ni Ryza ito?
Mistulang publicist ni Cholo si Ryza sa napansin naming mas marami pang posters ng movie na ipinost ni Ryza sa social media account niya kesa kay Pocholo, at laging ipinaaalala sa kanyang followers na showing na ang pelikula sa May 3.
Nabanggit din ni Ryza na si Cholo ang laging nagpapaalala sa kanya na bumitaw na sa karakter niyang si Georgia sa
Ika-6 Na Utos ‘pag napapansin na dala-dala pa rin niya ang karakter kahit tapos na ang taping.
On his part, ipinakilala na ni Cholo si Ryza sa parents niya, sa grandparents niya, sa mga pinsan at tita niya kabilang sina Claudine at Marjorie Barretto. Si Gretchen Barretto na lang ang hindi pa nakikita ni Ryza.
(Nitz Miralles)