Mariing kinondena ng Department of Health (DoH) ang pagpatay sa isa na namang “doctor to the barrio” at sa kanyang escort sa Cotabato Doctors Clinic, kahapon ng umaga.

Sa loob umano mismo ng nasabing klinika pinagbabaril si Dr. Sajid Jaja Sinolinding, ophthalmologist at kapatid ni Secretary Dr. Kadil Sinolinding, Jr. ng DoH Autonomous Region; at kanyang security escort na kinilalang si Hamid.

Mismong si Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial ang nagkondena sa nasabing pagpatay, ipinagdiinan ang matinding pangangailangan ng bansa ng isang manggagamot na tulad ni Sinolinding.

“The DoH condemns this act of violence as it lost anew a dedicated healthcare worker at a time when there is a dire need for their service and we are deeply saddened by this event, even as we are still awaiting the resolution of the killing of former Doctors to the Barrios Dr. Dreyfuss Perlas,” anang kalihim.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kasabay nito, nagpahayag ng pakikiramay si Ubial sa pamilya ng biktima at nanawagan ng katarungan para rito.

(Mary Ann Santiago0