Heart copy

KAPAG nahaharap sa ultimate test ang #RelationshipGoals, hanggang saan ang kakayanin ng magkakapareha?

Masusubukan ang tatag ng pagmamahalan sa pinakabagong reality show ng GMA News and Public Affairs, ang Follow Your Heart. Sa pangunguna ni Heart Evangelista-Escudero, linggu-linggo ay may dalawang pares ng celebrity reel or real life couples na sasabak sa mundong malayo sa kanilang “comfort zone.”

Tuwing Linggo, sasalang sa mga gawaing puno ng hirap, drama, aksiyon, at katatawanan ang dalawang pares ng celebrity.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makikipag-bonding sila sa dalawang pamilyang dapat nilang tulungan. Magbabanat sila ng buto sa mga gawaing bahay hanggang sa paghahanapbuhay.

Hindi rin magpapahuli si Heart na susubukan din ang real-life tasks ng bawat couple.

“Never been seen iyong mga ginagawa namin. Matutuwa sila dahil mas makikilala nila kami bilang mga artista at kung sino kami sa totoong buhay. Nae-enjoy ko siya kasi hindi siya iyong usual na ginagawa ko,” ani Heart.

Bago matapos ang araw, maghaharap sila sa mga exciting na palaro na susubok sa kanilang bilis, diskarte at teamwork.

P50,000 ang premyo ng host family ng winning pair. Pero hindi pa rin uuwing luhaan ang host family ng talunang celebrity duo dahil may P25,000 na consolation prize para sa kanila.

Para sa unang handog, maghaharap sa Lake Pandin sa San Pablo, Laguna ang real-life celebrity couples na sina Mark Herras at Winwyn Marquez, at Paolo Contis at LJ Reyes. Mula sa paghahatak ng balsa hanggang sa pangingisda at iba pang mabibigat na gawain sa lawa, kakarerin nila.

Makakasama nina Mark at Winwyn ang hardworking couple ng Lake Pandin na sina Lotlot at Romeo Sales. Kahit pitong buwang buntis si Lotlot, naghahatak pa rin siya ng lubid sa lawa para makabiyahe ang mga balsang sinasakyan ng mga turista. Katuwang niya sa paghahanapbuhay ang asawang si Romeo na bukod sa paggawa ng balsa, nag-aalaga rin ng kabayo na siyang nagbubuhat ng mga produktong dinadala sa Lake Pandin. Lahat ng ito ay ginagawa nila para sa kinabukasan ng walo nilang anak.

Walo rin ang anak ng mag-asawang makakasama nina LJ at Paolo, sina Orlando at Gina Tolentino. Tulad ni Lotlot, tagahatak din ng balsa sa lawa si Gina. Ang sweetheart naman niyang si Orlando, nangingisda pagsapit ng dapithapon.

Ang mga mahuhuli niyang isda ang ibinibenta ni Gina kinaumagahan.

Makinig kaya sila sa tibok ng kanilang puso para wagi ang kanilang relationship goals? Basta’t walang iwanan, mapatunayan kaya nilang walang pagsubok ang hindi kayang lampasan?

Simula April 23, ang Follow Your Heart ay mapapanood tuwing Linggo, alas-5 ng hapon sa GMA 7.