Nalambat ang 10 katao, kabilang ang tatlong babae, sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Police Insp. Milan V. Naz, team leader ng SDET kay Police Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, unang inaresto na sina Emil Mape, 38, ng No. 4122 Diam Street, Pioneer Village, Barangay Gen. T. De Leon; Marlon Jaime Picorro, 43; Nandy Abriam, 35; John Dodgie Dogillo, 23; Jefferson Jimenez, 28; Carolina Recafrente, 36; Laykalyn Andam, 22 at Ellaine Burila, 19, pawang residente sa General Lim, Roosevelt Avenue, Quezon City.

Ayon kay Naz, bandang 12:30 ng hatinggabi, isinagawa ang operasyon sa bahay ni Mape nang makatanggap ng impormasyon na nagsisilbi umanong drug den ang bahay nito.

Kasama ang impormante, nasorpresa ang walong suspek na pawang nahuli sa aktong bumabatak.

National

Rep. Abante, muling binira ang 'bashers' ng quad comm

Narekober sa mga suspek ang pitong pakete ng shabu, marked money at mga drug paraphernalia.

Si Mape ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article 11 habang ang kanyang mga kasama ay kinasuhan ng paglabag sa Article 11 ng R.A. 9165.

Samantala, dakong 1:00 ng madaling araw, inaresto ng mga pulis sina Joland Gile, 21; at Joshua Gamboa, nasa hustong gulang, sa ikinasang operasyon sa Dulong Tangke, Bgy. Malinta, Valenzuela City. (Orly L. Barcala)