Inamyendahan na ng Department of Justice (DoJ) ang kasong inihain sa Angeles City Regional Trial Court Branch 58 kaugnay ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-Joo.

Sa resolusyon ng DoJ na may petsang April 6, 2017, nadagdagan ang mga akusado sa kasong Kidnapping for Ransom with Homicide at ito ay sina Supt. Rafael Dumlao, Jerry Omlang, at Gerardo “Ding” Santiago.

Nananatili namang akusado sa special complex crime sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at SPO4 Roy Villegas makaraang pagtibayin ng DoJ ang naunang resolusyon noong Enero.

Ipinagharap naman ng kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law sina Sta. Isabel, Supt. Rafael Dumlao, Jerry Omlang at SPO4 Roy Villegas dahil sa pagtangay sa Ford Explorer ni Ick-Joo.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Nahaharap naman sa kasong kidnapping at serious illegal detention sina Sta. Isabel, Dumlao, Omlang at Villegas dahil sa pagtangay sa kasambahay ni Ick-Joo na si Marisa Dawis Morquicho. (Beth Camia)