LJ at Gloria copy

NA-STARSTRUCK si LJ Reyes at hindi nakapagsalita nang makaharap nang personal ang Philippine’s Movie Queen na si Ms. Gloria Romero sa plug shoot ng Kulayan Natin Ang Summer Station ID ng GMA-7.

“Nakaramdam talaga ako ng hiya nang makaharap ko si Ms. Gloria Romero,” kuwento ni LJ. “Ganoon pala, kapag kaharap mo na ang iginagalang at paborito mong artista, hindi ka makapagsasalita. First time ko kasi iyon na makaharap siya dahil hindi pa ako nagkaroon ng chance na makasama si Ms. Romero sa isang project, pero paborito ko siya talaga at pinapanood ko ang mga movies niya at teleseryes.

“Kaya ang tuwa ko nang malaman kong makakasama ko siya sa omnibus shoot ng mga bagong shows ng GMA-7 na mapapanood na this summer. Eh, kami ng buong cast ng D’Originals ay magkakasama sa plug namin. ‘Tapos nakita ko siyang nandoon din dahil may isang Sunday fantasy show pala na siya ang magho-host, ang Daig Ka ng Lola Ko.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

“Kaya talagang fan ako na nag-request kung p’wedeng magpa-picture sa kanya. Ang saya-saya ko after naming magpa-picture.

“First time din daw niya akong nakita in person. Papanoorin ko ang bago niyang show at ipapapanood ko rin ito sa anak kong si Aki dahil mga bata ang kasama ni Tita Gloria sa show na pambata talaga.”

Nagsimula nang mapanood ang sexy dramedy series nina LJ, Jaclyn Jose, Kim Domingo na D’Originals nitong Lunes, April 17, after ng Legally Blind. Ang Daig Ka ng Lola Ko ni Ms. Gloria Romero ay mapapanood naman simula sa Linggo ng hapon, April 30. Sa direksyon ito ni Rico Gutierrez. (Nora V. Calderon)