Sapat ang supply ng kuryente sa bansa ngayong summer season.

Ito ang kinumpirma ng Department of Energy (DoE) kasabay ng panawagan na iwasang mag-aksaya ng kuryente lalo na at nararamdaman na ang maalinsangang panahon.

Ayon kay DoE Assistance Secretary Felix Fuentebella, tatagal ang inireserbang kuryente kung mapananatili ang normal na paggamit ng mga consumer.

Idinagdag niya na makakaapekto rin sa supply ng kuryente kung may plantang sosobra ang gamit, partikular sa Luzon, kung saan may pinakamalaking bilang ng power consumers.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Gayunman, tiniyak ng DoE na sapat ang suplay ng kuryente ngayong tag-init kaya hindi kinakailangang mangamba ang publiko sa posibilidad ng rotational brownout. (Bella Gamotea)