TATAAS ng timbang si world rated super bantamweight Genesis Servania sa pagkasa sa kababayang si Ralph John Lulu para sa bakanteng WBO Asia Pacific featherweight title sa Abril 29 sa Sangyo Hall, Kanazawa, Ishikawa, Japan.

Kasalukuyang nakalista ang tubong Negros Occidental at 25-anyos na si Servania na No. 5 contender kay WBO super bantamweight champion Jessie Magdaleno ng United States at No. 8 kay IBF junior featherweight titlist Yukinori Oguni ng Japan kaya kailangan niyang manalo para makapasok sa featherweight ranking.

May perpektong rekord na 28 panalo, 11 sa pamamagitan ng knockouts, huling lumaban si Servania nang talunin sa puntos si Venezuelan Alexander Espinoza noong Setyembre 11, 2016 sa Kanazawa, Ishikawa, Japan kung saan siya nakabase ngayon.

Ngayon lamang lalaban sa labas ng bansa ang tubong Sultan Kudarat at 25-anyos ding si Lulu na natamo ang Luzproba super bantamweight crown noong nakaraang taon taglay ang kartadang 12-1-2 na may limang pagwawagi sa knockout.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

(Gilbert Espeña)