Dalawa namang lalawigan sa hilagang Luzon ang niyanig ng lindol kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang sentro ng pagyanig, na may magnitude 4.4, ay naitala sa layong 45 kilometro sa hilaga-kanluran ng Pagudpud, Ilocos Norte, dakong 7:28 ng umaga kahapon.

Naramdaman din ang Intensity 2 sa Claveria, Cagayan, at Intensity I sa Laoag City at Pasuquin sa Ilocos Norte

Ang pagyanig ay tectonic ang pinagmulan at lumikha ng lalim na 33 kilometro. (Rommel P. Tabbad)

National

PBBM nagbabala kontra POGO, IGL: ‘Di na kailanman papayagang manalasa ang mga ito!’