Kris copy copy

LUMIPAD si Kris Aquino patungong Los Angeles noong Linggo ng gabi para makipagkita sa agent niyang si Chris Lee at upang pumirma ng kontrata. Tungkol ito sa international project na matagal nang binabanggit ng TV host-actress sa kanyang posts sa social media.

May netizens at reporters na humuhula na ang pelikulang sasalihan ni Kris na hindi pa niya matukoy ay ang movie adaptation ng Crazy Rich Asians, best-seller novel ni Kevin Kwan na ang magiging full title ay Crazy Asians: The Movie. May ilan nang napiling gaganap sa characters, in-announce na kung sino sila at hintayin natin kung dito nga makakasama si Kris.

Big movie ito at ipagdasal natin na maging successful ang first international movie ni Kris at masundan pa. Hindi siya masyadong mahihirapan dahil may agent na siya na tutulong sa kanya pagdating dito. (NITZ MIRALLES)
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas