Barbie copy

NAKA-PLUS one pogi point si Ken Chan kay Barbie Forteza sa last mall show ng Meant To Be. Bago kasi magtapos ang show at bago kantahin ng cast ang theme song ng hit rom-com series, binigyan ni Ken ng bouquet of red roses si Barbie.

Tuwang-tuwa si Barbie nang makita ang mga bulaklak na ibinigay ni Ken at napaupo pa sa tuwa. ‘Yun naman pala kasi, mahilig sa roses ang dalaga. Isang mahigpit na yakap ang iginanti ni Barbie kay Ken na sobrang kinakiligan ng kanilang fans na nasa Market! Market! that time.

Nang makauwi, nag-post si Barbie ng picture niya sa Instagram (IG) hawak ang bouquet of red roses na bigay ni Ken.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang caption niya, “Di mo naman ako in-inform sa pa-roses mo! Weakness ko pa naman ‘to! Thank you @akosikenchan.”

Sumagot si Ken ng, “Because you’re important to me @barbaraforteza” na lalong nagpakilig sa KenBie fans at supporters ng Team Asukal.

Pero sabi ng VanBie fans nina Barbie at Ivan Dorschner, naunang nagbigay ng three red roses kay Barbie si Ivan, at naka-post din sa IG account ni Barbie.

Hintayin na lang natin sa susunod na mall show ng Meant To Be kung magbibigay din ng roses kay Barbie sina Jak Roberto at Addy Raj. O baka naman muling magbigay ng roses ang isa kina Ivan at Ken.

Samantala, dahil extended kaya hanggang June pa ang airing ng Meant To Be dahil, may ibang karakter pa sigurong papasok para mas gumanda ang istorya. Sa ngayon, pagkatapos ni Janno Gibbs, sina Matthias Rhoads, Vince Vandorpe, Carl Cervantes at Dave Bornea ang mga bagong karakter na nadagdag sa cast. (Nitz Miralles)