JENNYLYN copy

MASAYANG-MASAYA si Jennylyn Mercado nang pumunta ng South Korea kasama ang boyfriend na si Dennis Trillo para sunduin ang biological father niyang si Papa Noli na matagal nang naka-base doon as a musician.

Nakakatawa lang nang i-post ni Jen ang picture na magkasama ang Papa niya at si Dennis, may mga nag-comment na puwede raw palang mag-ama ang dalawa dahil magkamukha sila.

Ang comment naman ni Yasmien Kurdi kay Jen, “Kamukha mo ang papa mo!”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ang isa pang ikinatuwa ni Jennylyn, sa paglilibot nila ni Dennis, may makita silang bus na naka-park na may malaking picture ng Korean actress na si Cheon Song Yi sa side. Walang pakialam si Jen na nag-pose sa picture at na agad niyang ipinost sa Instagram: “Nagkita na rin tayo Steffiiiii!!!!” ang kanyang caption.

Si Steffi ang character na ginagampanan ngayon ni Jen sa Pinoy adaptation ng romantic-comedy series na koreanovelang My Love From The Star katambal ang model-actor na si Gil Cueva. Tuluy-tuloy na ang taping nila ng serye na isa sa mga inaabangang bagong shows sa GMA-7. (NORA CALDERON)