Basag ang bungo at wala nang buhay ang isang lalaki nang mahulog mula sa ikalawang palapag ng veranda habang nakikipag-inuman sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Hindi na naisugod pa sa pinakamalapit na ospital si Manuel Danila, 45, tiles installer, ng Liton Street, Litex Village, San Jose Montalban, Rizal, dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Ayon kay Lionel Paulino, saksi, nakikipag-inuman ang biktima kay Ricardo Ladrillo sa 2nd floor ng bahay nito sa Amoguis sa panulukan ng Taluto Street, Amparo Barangay 179, Caloocan City, bandang 7:00 ng umaga.

Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na umano si Ladrillo kay Danila dahil susunduin pa niya ang kanyang misis sa trabaho at naiwang mag-isa ang biktima.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Maya-maya pa’y nahulog ang biktima sa mula sa ikalawang palapag ng veranda at pinagkaguluhan ng mga tagaroon.

Ayon sa awtoridad, posibleng nakatulog sa kalasingan si Danila kaya nahulog ito. (Orly L. Barcala)