Alden at maine copy

KINABUKASAN pagkatapos ng midnight date nina Alden Richards at Maine Mendoza after their “Kalyeserye sa New York” concert last April 13, nahirapan na silang lumabas na magkasama. 

Marami kasing fans na nakaabang sa labas ng kanilang hotel sa Brooklyn, New York, hoping na makita silang lumabas para mag-date. Kaya solo-solo na lang ang post nila ng pictures sa kanilang Instagram.

Nagkaroon ng time si Alden na ma-meet si Ana Feleo, na naka-base na ngayon sa New York. Tama ang sabi ni Direk Laurice Guillen nang makausap namin, luma-love life daw ang anak sa New York. Si Ana ang older sister ni Ina Feleo, kasama ni Alden sa teleserye nila ni Maine na Destined To Be Yours.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa IG post ni @anagfeleo: “Finally natuloy na ang date with my baby brother/student @aldenrichards02 so proud of you!!!”

Matagal ding nakasama ni Ana si Alden sa drama series ng GMA Network. Then, nag-post naman si Ana ng IG story nila nina Alden habang kumakain sa isang park, kasama nila ang handler ni Alden na si Jazeelah at si Mama Tenten. Kitang-kita ang maraming taong nanonood sa kanila.

Si Maine naman ay nag-post ng picture niya sa harap ng Trump Tower. Then may IG story rin siya habang nasa Serendipity Cafe. Kasama ni Maine si Nanay Dub, ang handler niyang si Mike Uycoco, si Jenni Ferre ng Eat Bulaga. Ang dami ring tao dahil matagal na palang inaabangan ng fans. Nakasunod kaya si Alden? Ito pa naman ang ikinukulit ng mga Aldub Nation, ang maipasyal ni Maine si Alden sa New York, dahil first time nito doon.  

Paano kaya ang request ni Sen. Tito Sotto kay Alden na dalhin niya si Maine sa Empire State Building? Wait na lang tayo ng pictures kung may lalabas.

Anyway, back to work na ang dalawa pagbalik dito ngayong araw, dahil nasa kapana-panabik nang eksena ang susunod sa Destined To Be Yours. Sa umeereng kuwento, hindi alam ni Trish (Thea Tolentino) na ang hinahanap niyang si Sinag na dati raw girlfriend ni Benjie (Alden) ay ang lagi niyang kasamang si Sunshine (Maine) at pinagtitiwaalaan pa niyang bantayan nito ang boyfriend. Hindi nakatanggi si Sinag kay Trish kaya bago sila umalis papunta sa kanilang ocular inspection, nagbigay muna ng do’s and don’ts si Sinag tungkol sa kanila ni Benjie.

Pero on the way, magkakaroon ng aberya ang lakad ng dalawa, at ito ang inaabangan ng viewers.

Napapanood gabi-gabi ang Destined To Be Yours, pagkatapos ng Encantadia. (NORA CALDERON)