Sa oras na maimpeksiyon ang sugat, maaaring maging sanhi ng pagkamatay ang pagpapatuli, babala ng isang doktor.

Ang pagtutuli ay ang pagtatanggal ng balat na nagtatakip sa ari ng lalaki. Ito ay para maiwasan ang impeksiyon sa daluyan ng ihi at lambi, at mapababa ang tsansa na mahawahan ng sakit sa pakikipagtalik. Isa rin ito sa mga tradisyon ng mga Pinoy na ikinokonsidera na “rite of passage” mula sa pagiging bata sa pagbibinata.

Gayunman, ang pagtuli ay maaaring ikamatay sa oras na maimpeksiyon ang sugat, ayon kay Manila Medical Center (ManilaMed) Internal Medicine-Infectious Diseases specialist Katha Ngo.

“If it is left untreated, yes, it could lead to severe infection. Any infection that is left untreated could lead to serious infection, which can cause death if it is neglected,” aniya.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Sinabi ni Ngo na isa sa mga senyales ng impeksiyon mula sa pagkakatuli ay tinatawag na “pangangamatis”.

“It can really get infected as seen with a swollen testis or scrotum,” aniya. (Charina Clarisse L. Echaluce)