PANGASINAN_DAY

LINGAYEN – Ipinagdiwang ng mga Pangasinense nitong Abril 5 and ika-437 taon na “Agew na Pangasinan” o Araw ng Pangasinan.

Matatandaan na muling sinimulan ang pagdiriwang sa Agew na Pangasinan noong Abril 5, 2010 kasunod ng opisyal na deklarasyon ng pagkakatatag ng probinsiya noong Abril 5, 1580, matapos ang masusing pagsasaliksik sa kasaysayan ng probinsiya.

Ipinagdiwang ito ng mga Pangasinense sa pamamagitan ng makabuluhan at mayayaman sa kulturang mga aktibidad na nagpapakita ng pagkakaisa ng mga Pangasinense.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

Isa sa mga pangunahing tampok ang mga pinarangalang nagwagi sa ‘Kurit Panlunggaring’, isang paligsahan sa literatura gamit ang wikang Pangasinan. Ito ang lokal na bersiyon ng Carlos Palanca Memorial Awards.

Itinataguyod ng ‘Kurit Panlunggaring’ ang pagpapalaganap ng salitang Pangasinan sa pamamagitan ng literatura.

Ibinukas din ang pinakamalaking Trade Expo sa Capitol Compound. Mananatili ito hanggang sa Mayo 1.

At ang pinakatampok sa selebrasyon ay ang makulay at pinakamahuhusay na street dancing competition na lalahukan ng 14 na bayan ng Pangasinan.

Pinamagatang ‘Parada na Luyag’, ipinakita sa pamamagitan ng sayaw ang mga lokal na kultura, kasaysayan, industriya at turismo ng bawat bayang kalahok.

Itinanghal na pinakamahusay sa paligsahan ang bayan ng Mapandan at ang kanilang “Pandan Festival” na nag-uwi ng korona at gantimpalang isandaang libong piso.

Ang Agew na Pangasinan ay pasimula pa lamang sa pinakamasaya at buong buwan na pagdiriwang ng Pista’y Dayat o Pyesta ng Dagat sa Mayo 1. (JOJO RIÑOZA)

[gallery ids="237691,237692,237697,237696,237695,237694,237693"]