Prince Harry at Meghan copy

MUKHANG tinamaan talaga si Prince Harry sa kanyang girlfriend na si Meghan Markle.

Palihim na binisita ng 32-anyos na royal ang kanyang girlfriend sa tahanan nito sa Toronto nitong Miyerkules.

Sa nakuhang larawan ng E!, dumating si Prince Harry sa tahanan ng Suits star na nakasuot ng skinny jeans, button-up shirt at ng baseball cap, na halatang itinatago ang kanyang pagkakakilanlan. Mayron bitbit din siyang malaking duffel bag.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nitong mga nakaraang buwan, nagtungo ang magkasintahan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, huli silang namataang magkasama sa kasal ng isa sa malalapit na kaibigan ni Prince Harry sa Jamaica. 

Mapapansin sa suot ni Meghan ang mala-Kate Middleton na peg sa soiree, eleganteng floral dress na tamang-tama sa classy look ng kanyang boyfriend.

Ipinaliwanag ni Kate Nicholl, ang royal correspondent ng ET, na “big deal” ang pagsama-sama ni Prince Harry kay Markle bilang kanyang plus-one.

“I’m hearing from many of his friends [that] Harry could be popping the question to Meghan by the end of the year,” aniya pa. (ET Online)