JUDAY RYAN AT copy copy

SA Amerika nag-celebrate ng 38th birthday si Ryan Agoncillo noong April 10 at doon na rin nag-Holy Week kasama ang buong pamilya at sa nakita naming pictures, pati parents ni Ryan ay kasama nila.

Heartwarming at mapi-feel na full of love ang birthday message ni Judy Ann Santos sa kanyang esposo. Sabi ni Juday:

“To my love, my fire starter, our blind monster, dance instructor, and my life... happy birthday... I thank God for you everyday... I love you forever...”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang ganda ng mga picture na kuha sa pagbabakasyon ng mga Agoncillo, may bonding sina Ryan at anak na si Lucho, bonding nina Ryan at Yohan, at siyempre, bonding ni Judy Ann with their kids.

Sinulit nina Judy Ann at Ryan ang bakasyon at ang panahong kasama ang mga anak dahil magiging busy sila pareho.

May Eat Bulaga at may sisimulang game show sa GMA-7 si Ryan. Balik-TV na rin si Judy Ann sa Bet On Your Baby ng ABS-CBN. (Nitz Miralles)