MIKAEL AT MEGAN copy copy

KABILANG sina Mikael Daez at Megan Young sa celebrities na nagtungo sa Maldives ngayong Holy Week. Sinamantala nila na pareho silang libre para magawa ang isa sa pinaka-favorite nilang gawin, ang pagta-travel.

Nang huling makausap si Mikael ng press sa taping ng Legally Blind, nabanggit niya ang excitement sa first time nilang pagpunta ni Megan sa Maldives.

“No time to waste, ‘di ba, kung may opportunity. Maldives is gonna be cheaper than Amanpulo. Eh, cowboy naman kami ni Megan. Hindi kami nag-i-stay sa mga five-star hotels. Kung nakikita n’yo mga Instagram namin, ang nakuha naming lugar sa Maldives ay sarili naming isla. ‘Tapos may bahay-kubo lang. ‘Tapos ii-Airbnb mo lang. ‘Tapos tipong 50 dollars to 60 dollars a night. Saan ka pa? ‘Yung babayaran lang talaga namin is ‘yung airfare at ‘yun lang ang mahal,” sabi ni Mikael.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang Airbnb pala, para sa fans na gustong gayahin sina Mikael at Megan, ang ibig sabihin according sa Wikipedia ay online marketplace and hospitality service, enabling people to lease or rent short-term lodging including vacation rentals, apartment rentals, homestays, hostel beds, or hotel rooms.

Si Mikael ay patuloy na napapanood sa food segment ng Saksi at Legally Blind, samantalang wala pang balita kung ano ang next show ni Megan sa Kapuso Network. O kung nag-renew na ito ng kontrata pero baka ang international career muna ang i-pursue. (Nitz Miralles)