Kylie at Kendall copy

NAG-AALALA si Kendall Jenner na baka makakuha ng negatibong review ang kanyang clothing line sa episode ng Keeping Up With the Kardashians ngayon.

Sa clip, nalaman ng 21-anyos na supermodel na nais ng Vogue na i-review ang fashion line nila ng kanyang kapatid na si Kylie Jenner na Kendall + Kylie. Pumasok sa kuwarto si Kylie, 19, at nakita ang kapatid na halatang kabado sa pagpili ng mga damit. Agad nagtanong si Kylie kung ano ang nangyayari.

“I just wanted to go over it. Make sure we like every little thing. If there’s something we want to take out,” saad ni Kendall tungkol sa kanyang collection. “F--k! I don’t know why I’m so nervous.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ipinaliwanag ng dating cover girl ng Vogue na ayaw niyang makasira sa kanyang kredibilidad ang hindi magandang review. “I’m really proud of the line, but I’ve worked really hard to be taken seriously and recognized in Vogue and in the fashion world,” pag-amin niya. “If this doesn’t go as well as we hope, it might tarnish some things in the modeling world, so it’s even more frightening.”

Nang tanungin ni Kylie kung nagdadalawang-isip siya na ilabas ang line, tugon ni Kendall, “Everyone wants an excuse to talk s--t, and I don’t want this to be that.”

Tiniyak naman ng lip kit maven sa nakatatandang kapatid na magiging maayos ang lahat. “I think it’s cute. I feel confident about it,” saad ni Kylie. “We worked so hard on this. There’s so many pieces, like, there’s no way they’re not going to love it.” (Us Weekly)