Ipinasa ng House committee on public works and highways ang pitong panukala na magtatatag ng mga district engineering office sa ilang bahagi ng bansa upang mapabuti ang public infrastructures at engineering projects.

Inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Zamboanga City Rep. Celso L. Lobregat ang House Bill 364 ni ComVal Rep. Ma. Carmen S. Zamora para magkaroon ng engineering office sa Compostela Valley; HB 640 ni Camarines Norte Rep. Renato J. Unico, Jr. para sa unang distrito ng Camarines Norte; HB 1188 ni Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Q. Dimaporo, at HB 2052 ni Zamboanga del Norte Rep. Isagani S. Amatong para sa ikaapat na distrito ng Siocon. (Bert de Guzman)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog