Nagpahayag ng simpatiya at pakikiramay si Senator Leila de Lima sa tatlong sundalo at isang pulis na nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) sa Inabanga, Bohol simula pa noong Martes.

“I join the nation in expressing sympathies with the family and loved ones of the uniformed personnel—3 soldiers and 1 policeman—who perished during a firefight with Abu Sayyaf bandits in Bohol,” saad sa sulat-kamay na pahayag ni De Lima mula sa Camp Crame Custodial Center sa Quezon City.

Anim na rin Abu Sayyaf ang nasawi sa nasabing bakbakan.

Nangyari ang pagsalakay ng Abu Sayyaf—ang una ng grupo sa labas ng Mindanao—isang linggo bago idaos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit meetings sa Bohol.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

“I also laud the military for neutralizing a notorious leader of the ASG believed to be responsible for atrocities, including beheading of foreigners. Let the full force of the law be cast upon the rest of the these lawless and ruthless elements,” ani De Lima.

“I am in solidarity with, and give honor to, the Armed Forces of the Philippines in protecting our peace and preserving our freedom,” dagdag pa ni De Lima. (Leonel M. Abasola)