Isang babae ang nasawi at 15 iba pa ang nasugatan makaraang bumaligtad ang sinasakyan nilang pampasaherong van sa Bukidnon nitong Biyernes Santo.

Kinilala ni Supt. Lemuel Gonda, tagapagsalita ng Policen Regional Office (PRO)-10, ang nasawi na si Sonia Laput.

Sugatan naman at isinugod sa magkakahiwalay na ospital sina Merrill Bolotaolo, 24, driver ng van; Mark Anthony Antilino; Jesmari Agustin; Abel Camino Mahinay; Lenny Ting; Elizabeth Borres; Scott Masin; Misiel Masin; Sabir Salic; June Twelve Bueni; Ruel Villanueva; Jessa Mae Tuquib; Danilo Bueno; June Mark Acera; at Columbano Vasaya.

Sinabi ni Gonda na batay sa paunang report na kanyang natanggap, nangyari ang aksidente sa Sitio San Antonio sa Barangay Poblacion, Impasug-ong, Bukidnon, dakong 4:30 ng gabi nitong Biyernes.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid na mula sa Davao ay sakay ang mga biktima sa Toyota Hi-Ace van na minamaneho ni Bolotaolo nang mawalan ng kontrol sa sasakyan ang huli sa bahagi ng Sayre Highway. (Francis T. Wakefield)