July 23, 2026

Home BALITA Politics

Tinatayang 500 raliyista sa balwarte ni Rep. Leviste, dumugtong sa INC rally

Tinatayang 500 raliyista sa balwarte ni Rep. Leviste, dumugtong sa INC rally
Photo courtesy: MB file photo

Muling nakiisa si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa ikalawang araw ng anti-corruption rally na pinangunahan ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Metro Manila, kasama ang daan-daang residente mula sa kaniyang distrito.

Ayon sa mga organizer, inaasahang umabot sa mahigit 100,000 ang mga dumalo sa ikalawang araw ng pagtitipon. Muling dumalo si Leviste matapos makiisa rin sa unang araw ng rally.

Batay sa ulat, mahigit 500 residente mula sa Unang Distrito ng Batangas ang bumiyahe patungong Metro Manila upang makibahagi sa kilos-protesta. Bukod sa panawagan laban sa katiwalian, muling iginiit ng grupo ang kahilingang alisin ang value-added tax (VAT) o excise tax sa produktong petrolyo.

Ayon kay Leviste, patuloy na nararamdaman ng maraming Pilipino ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin, na aniya'y may kaugnayan sa umiiral na sistema ng pagbubuwis at umano'y katiwalian sa pamahalaan.

“Yung pinaka-malaking isyu na nararamdaman ng maraming Pilipino ngayon ay actually inflation. Kaya kailangan ng VAT dahil maraming ninanakaw.”

Politics

'T*ng*han mo pa ngayon!' Ka Leody, binira si Sen. Robin!

Iginiit din ng mambabatas ang panawagan ng kaniyang mga nasasakupan na alisin ang VAT sa mga produktong petrolyo at papanagutin ang mga opisyal na mapatutunayang sangkot sa korapsyon.

Ipinagmalaki rin ni Leviste na marami pa raw ang nagpahayag ng kagustuhang sumama sa EDSA mula sa kaniyang distrito subalit iginiit niyang tila hindi raw kakayanin ng laki ng EDSA White PLains kung ang lahat sa kanila ay pasasamahin niya.

Ang naturang rally ay nagsilbi rin bilang pagpapakita ng suporta kay Sen. Rodante Marcoleta, na nahaharap sa inirekomendang kasong plunder at tatlong bilang ng indirect bribery kaugnay ng umano'y hindi pagdedeklara ng ₱75 milyong campaign donations. 

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman Remulla, dedma sa rally ng INC; kaso kay Sen. Marcoleta, tuloy!

Samantala, nanindigan naman si Ombudsman Boying Remulla na tuloy ang pagsasampa nila ng kaso laban kay Marcoleta.

“Nothing has changed, we will file, walang nagbabago,” anang Ombudsman. 

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman Remulla, dedma sa rally ng INC; kaso kay Sen. Marcoleta, tuloy!