Sienna at Brad copy

PINABULAANAN ni Sienna Miller ang mga haka-haka na may namamagitan sa kanila ni Brad Pitt, at sinabi sa Page Six nitong Martes, na walang katotohanan ito.

“I’m not going to even dignify it with a response,” aniya sa Cinema Society screening ng kanyang bagong pelikulang The Lost City of Z, na si Pitt ang producer. “It’s predictable and silly.”

Iniulat ng Page Six kamakailan na namataan sina Miller, 35, at Pitt, 53 na naghaharutan habang nagdi-dinner kasama ang kanilang mga kaibigan sa isang restaurant malapit sa ArcLight movie theater sa L.A. Ayon sa source ng outlet, “heavily enjoying each other’s company” ang dalawa.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Naiugnay kamakailan ang British Live by Night actress sa kanyang Foxcatcher director na si Benneth Miller. 

Nagsimula ang kanilang relasyon noong nakaraang taon pagkatapos ng paghihiwalay nila noong 2015 ng kanyang dating fiancé na si Tom Sturridge, ang ama ng kanyang anak na si Marlowe, 4.

Samantala, hiniwalayan naman si Pitt ng dating asawang si Angelina Jolie noong Setyembre. Bagamat nanatili siyang low profile ilang buwan simula noon, nagsimula nang makita uli ang aktor sa mga red carpet kamakailan. Nitong Enero, nagkaroon siya ng surprise appearance sa Golden Globes.

At nitong unang bahagi ng buwan, dumalo siya sa premiere ng Lost City of Z sa Hollywood. (Us Weekly)