SA kabila ng mga haka-naka na nagkaayos na sila, opisyal nang nagsampa ng diborsiyo si Jennifer Garner laban kay Ben Affleck.

Ben at Jen
Ben at Jen
Ayon sa TMZ, magkasabay na naisampa ang petisiyon ni Garner at ang tugon ni Affleck na walang mga abogado, ibig sabihin napag-usapan nila ito nang maayos.

Nais nila ng joint legal at physical custody sa kanilang tatlong anak na sina Violet, 11; Seraphina, 8; at Samuel, 5.

Naiulat na pinoproseso na nina Jen at Ben ang pagsasaayos ng kanilang financial statement, at maaaring maging pinal ang diborsiyo sa loob ng anim na buwan. Ayon sa TMZ, maaaring maisagawa ang diborsiyo nila na hindi na kailangang idulog sa korte at tanging sa tulong lamang ng mediator.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon naman sa source ng People, ang pagsampa na ito ay “super amicable.”

Sabi naman ng isa pang insider, “They always planned to divorce despite what people said. If you look at their first statement it says divorce not separate. They just did it the way they wanted to and did what was best for their kids. There was no catalyst, it was just time. Nothing has changed, they are and still will be putting their kids first.”

Noong Hunyo 2015, inihayag nina Affleck at Garner, parehong 44, na sila ay magdidiborsiyo pagkaraan ng 10 taong pagsasama bilang mag-asawa.

“After much thought and careful consideration, we have made the difficult decision to divorce,” anila sa isang joint statement. “We go forward with love and friendship for one another and a commitment to co-parenting our children whose privacy we ask to be respected during this difficult time. This will be our only comment on this private, family matter. Thank you for understanding.”

Patuloy sa pagiging co-parent sina Jen at Ben sa kabila ng drama sa kanilang hiwalayan. Madalas pa rin silang mamataan na magkasama bilang pamilya, at mayroon pa ring family vacation.

Nitong Marso, kumalat ang mga balita na nagkabalikan na ang mag-asawa. “Jen has off the divorce,” saad ng source na malapit kay Jennifer sa People. “She really wants to work things out with Ben. They are giving things another try.”

Matapos ang isang linggo, ibinunyag ni Affleck na matagumpay na niyang natapos ang pagpapagamot sa kanyang alcohol addiction.

“I want to live life to the fullest and be the best father I can be. I want my kids to know there is no shame in getting help when you need it, and to be a source of strength for anyone out there who needs help but is afraid to take the first step,” sabi ni Afflect sa kanyang Facebook post. “I’m lucky to have the love of my family and friends, including my co-parent, Jen, who has supported me and cared for our kids as I’ve done the work I set out to do. This was the first of many steps being taken towards a positive recovery.”

Hindi pa rin nagkokomento sina Affleck at Garner tungkol sa kanilang pagdidiborsiyo. - Yahoo Celebrity