DENNIS AT JENNYLYN copy

NASA South Korea na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para sunduin ang ama ng aktres na si Noli Pineda na ang sabi’y nagbabalak na sa Pilipinas na manirahan.

May picture sina Jennylyn at Dennis with Jen’s dad at makikita ang pagkakahawig ng aktres sa ama.

Hindi pa nagpo-post ng picture si Jennylyn sa social media account niya ng picture nila ng ama, para siguro hindi muna maging maingay ang pagkikita nila. Sa ibang account namin nakita ang sinasabing “reunion picture” nilang mag-ama. What makes the picture more special, kasama ni Jennylyn ang boyfriend sa muling pagkikita nilang mag-ama.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

After Holy Week na siguro ang balik nina Jennylyn at Dennis sa bansa at kasama na ang ama ni Jennylyn.

Ang gustong malaman ng supporters ni Jennylyn ay kung dito na talaga maninirahan ang ama ni Jennylyn o babalik din ng Korea.

Samantala, sa umeereng summer plug sa aabangang shows ng GMA-7 sa May, kasama na ang My Love From The Stars nina Jennylyn at Gil Cuerva. Ang nasabing show ang papalit sa Destined To Be Yours. (NITZ MIRALLES)