STA. ROSA, Nueva Ecija - Sa wakas ay bumagsak na sa kamay ng batas ang isang 41-anyos na lalaking matagal nang wanted makaraang ikasa ng Sta. Rosa Police at Batangas City Police ang manhunt operation laban dito, noong Lunes Santo.

Ayon sa Sta. Rosa Police, nasakote ng pinagsanib na operatiba si Marco Santos y De Jesus, 41, may asawa, na isang taon at apat na buwan nang nagtatago sa batas.

Nakorner si Santos sa pinagtataguan nito sa Barangay Cuta Matawes sa Batangas City sa bisa ng arrest warrant para sa kasong frustrated murder. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog