TARLAC CITY - Nakakulimbat ng mahigit P4.7-milyong halaga ng alahas at P500,000 cash ang mga hinihinalang miyembro ng Bolt Cutter Gang matapos looban ang Jaypee's Gold Pawnshop sa Marcela Building sa M. H. Del Pilar Street, Barangay Sto. Cristo, Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay SPO1 Eduardo Hipolito, ang pawnshop ay pag-aari ni Jayson Aris Pagcu, 40, may asawa, ng Capitol Garden Subdivision, Bgy. San Roque, Tarlac City.

Sinabi ni Hipolito na dumaan sa drainage tunnel ang mga suspek upang malooban ang sanglaan, na nadiskubre bandang 7:10 ng umaga kahapon ni Jeneva Capinpin, 19, may asawa, appraiser/custodian ng pawnshop, na kaagad ini-report sa Tarlac City Police. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog