Apat na tama ng bala ang kumitil sa nagbagong buhay na tulak ng ilegal na droga nang atakehin ng dalawang riding-in-tandem sa Barangay Payatas, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Arturo Dooc, 46, ng Bgy. Payatas B, Quezon City.

Base sa imbestigasyon ng Batasan Police-Station 6, ganap na 12:30 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa kahabaan ng Bicol St., Bgy. Payatas.

Bumibili si Dooc ng barbeque sa isang tindahan sa nasabing lugar nang sumulpot ang dalawang riding-in-tandem at pinagbabaril ang una.

National

PBBM nagbabala kontra POGO, IGL: ‘Di na kailanman papayagang manalasa ang mga ito!’

Nang masigurong wala nang buhay si Dooc ay pinaharurot ng mga suspek ang kani-kanilang motorsiklo.

Tinangka pang isugod sa East Avenue Mdical Center (EAMC) ang biktima ngunit huli na ang lahat sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan. (Jun Fabon)