Humirit si dating first gentleman Jose Miguel Arroyo na makapagbakasyon ng isang buwan sa Europe.

Sa kanyang mosyon sa 7th Division ng Sandiganbayan, hiniling ni Arroyo sa korte na payagan siyang bumiyahe sa Spain, France, Denmark, Norway, Hungary, Czech Republic at Italy mula Mayo 15 hanggang Hunyo 17.

“Accused-movant humbly submits that, while facing charges before this Honorable Court, he continuously enjoys the right to be presumed innocent until proven otherwise,” saad sa mosyon ni Arroyo.

Nahaharap si Arroyo sa kasong graft kaugnay ng maanomalyang pagbili ng dalawang helicopter ng Philippine National Police (PNP) noong 2009. (Rommel P. Tabbad)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal