MANAMA, Bahrain – Sabik na ang mga Pinoy dito na makita si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Thousands of Filipinos have already registered and are eagerly awaiting to see and hear the President speak to them," sabi ni Philippine Ambassador to Bahrain Alfonso Ver, sa panayam ng media bago ang nakatakdang pagdating ng Pangulo sa Manama.

Dadating si Pangulong Duterte sa Bahrain sa Miyerkules ng gabi (Huwebes ng madaling araw sa Pilipinas). Siya ang unang pinuno ng Pilipinas na bumisita sa maliit na Arab monarchy sa Persian Gulf sa loob ng walong taon.

Ayon kay Ver, mayroong 60,000 Pilipino na nagtatrabaho sa Bahrain. Mas kaunti man sila kumpara sa ibang komunidad, lagi naman silang nasa top 20 ng pinagmumulan ng remittance. Sa katunayan noong 2014, sila ay pang-19, tinalo pa ang mas malalaking bansa sa ipinadalang mahigit P8 bilyon remittance, ayon kay Ver.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

"You know, when we first heard news that the President was coming, of course, sabik na sabik na sila," aniya.

"Everyone was so eager to meet him, as you know, in the 2016 overseas voting, the President won landslide victory, 76 percent."

Makikipagkumustahan ang Pangulo sa Filipino community sa Khalifa Sports Stadium.

Ngunit bago nito, makikipagpulong muna si Pangulong Duterte kay King Hamad bin Isa Al Khalifa ng Bahrain. Nakatakda rin niyang lagdaan ang lima hanggang anim na kasunduan na kinabibilangan ng pagtatatag ng High Joint Commission kung saan maaaring talakayin ang lahat ng aspeto sa relasyon ng Bahrain at Pilipinas.

Lalagdaan din sa pagbisita rito ni Duterte ang mga pagbabago sa double taxation at air services agreement, Memorandum of Understanding ng Foreign Service Institute of the Philippines at Diplomatic Institute of the Bahrain Foreign Ministry, at business investment agreement ng mga pribadong kumpanya ng dalawang bansa.

Dadalo rin ang Pangulo sa business forum sa Capital Club of Bahrain, ang prime CEO at bankers club dito.

(Roy C. Mabasa)