SUNSHINE AT KIDS copy

TULAD ng mga karaniwang Pilipino, bukod sa paggunita sa pagpapakasakit at pagtubos ni Jesus Christ sa sangkatauhan, inilalaan din ng ating celebrities ang kanilang libreng panahon tuwing Holy Week para sa pamilya o mga mahal sa buhay.

Sunshine Cruz – Ngayong walang taping, magba-bonding sila ng kanyang mga anak kasama ang mga anak din ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay.

“Lagi naman kaming ganu’n. Nagte-take advantage ako d’yan na walang trabaho and sila naman walang school. Kahit na either sa bahay or Tagaytay or Batangas, kahit overnight lang siguro, masaya na ‘yong mga ‘yon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang mala-alamat na kuwento ng Bulkang Kanlaon

“Pero mas marami kami ngayon, batalyon kami kasi tatlo ‘yung sa kanya (Macky Mathay). Pero most probably, magkakasama kaming lahat.”

Martin del Rosario -- Magkakasama rin ang kanilang buong pamilya kapag Holy Week.

“Nagsisimba kaming family. Araw-araw ‘yon, eh – Friday, Saturday and Sunday. Very religious kasi ‘yung family ko lalo na sa mother side, so ‘pag Holy Week, madalas magkakasama kami.

“Nagpupunta rin kami ng Tagaytay, nagdadasal. Wala rin akong gagawin this Holy Week kaya malamang kasama ko talaga ang family ko.”

Janus del Prado -- “Work-wise busy pa ako, so hindi ko pa alam kung ano’ng gagawin ko this Holy Week. May ginagawa kasi akong teleserye sa unit ni MNS (Malou N. Santos ng Star Creatives),” aniya.

“’Tsaka hindi naman ako nagbabakasyon ‘pag Holy Week. Kapag wala akong trabaho ng Holy Week, binabawi ko ‘yon ng tulog. Wala rin akong rituals kasi ano naman ako, very fluid ang religion ko. I respect all religion, pero wala akong religion. Kasi for me, it separates humanity, eh. ‘Pag sinabi mo kunyari na itong religion lang na ito ‘yung tama, dinisregard mo na ‘yung iba na mabubuting tao naman pero iba ‘yung paniniwala.”

Rodjun Cruz -- May tinutupad na panata si Rodjun tuwing Holy Week.

“Panata ko po kasi talaga na every Holy Thursday talagang nagbibisita Iglesia kami ng pamilya ko. Pumupunta ako sa pitong simbahan.

“Inuuna kong puntahan ‘yung Manila Cathedral, basta do’n po ako nag-i-start. ‘Tapos ‘yung huling dalawang simbahan ko po (na pinupuntahan), ‘yung dalawang simbahan namin sa BF Homes.

“Siguro sampung taon ko na pong ginagawa ‘yon na hindi po ako pumapalya. ‘Yung panata ko po na yon, lahat ng mga pinagdadasal ko, natutupad po, nangyayari po,” ani Rodjun. (ADOR SALUTA)