Arestado ang isang fire volunteer nang tangkain umano nitong patayin at paputukan ang isang tricycle driver sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD)-Station 7 at nahaharap sa kasong attempted murder at paglabag sa Republic Act 10951 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang suspek na si Narciso Mariano, alyas “Bravo”, ng 1028 Hermosa Street, kanto ng Pilar St., Tondo.

Ayon sa nagreklamong biktima na si Michael Tolentino, 30, ng 2925 Molave St., Manuguit, dakong 12:45 ng madaling araw nangyari ang insidente sa Pilar St., kanto ng Hermosa St., Tondo.

Una rito, bumibili umano ng pagkain si Tolentino sa isang karinderya nang mapansing papalapit sa kanya ang lasing na si Mariano at may hawak na caliber .9mm baril.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pinaputukan umano ng suspek ang biktima na masuwerteng nakailag.

Nagtatakbo si Tolentino at humingi ng tulong sa pulisya, habang nagtago naman ang suspek sa fire station kung saan siya naaresto ng awtoridad. (Mary Ann Santiago)