Noah at Michael copy

INIHAYAG ng asawa ni Michael Buble na patuloy sa pagbuti ang kalagayan ni Noah, ang kanilang anak na tatlong taong gulang na may cancer, dulot ng pagpapagamot nito sa Los Angeles.

Ibinahagi ng aktres na si Luisana Lopilato sa isang press conference nitong Lunes na matatagalan pa ang pagpapagaling ng kanilang anak. Aniya, mas pinahahalagahan niya ngayon ang buhay dahil sa karanasang ito.

Huling nagbahagi ng update ang pamilya tungkol kay Noah noong Pebrero, nang sabihin nilang bumubuti ang kalagayan ni Noah sa paglaban sa cancer.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inihayag ng pamilya ang pagkakaroon ng cancer ni Noah noong Nobyembre. Hindi nila tinukoy kung anong uri ng cancer ito.

May isa pang anak ang mag-asawa, si Elias.

Ang grammy-winning singer na si Buble ang umawit ng bagong hits na standard na laman ng kanyang album na Come Fly With Me at Caught in the Act, atbp. (AP)