Tadtad ng saksak ang isang tricycle driver sa dating nobyo ng kanyang kasintahan nang magtagpo ang kanilang landas sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Dennis Gonzales, alyas “Oyo Boy”, ng 1064 Solis Street, Tondo, Maynila, matapos pagsasaksakin ng suspek na kinilalang si “Kokoy Samson”, ng Barangay 215, Tondo, Maynila, na kasalukuyang tinutugis ng awtoridad.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Alex Daniel, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 7, bandang 2:55 ng madaling araw nangyari ang pananaksak sa Jose Abad Santos Avenue, malapit sa Ospital ng Tondo.

Naglalakad umano ang biktima, kasama ang ‘di pinangalanan niyang nobya, nang makasalubong ang suspek na dating nobyo ng kanyang kasintahan.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

“Ako ba talaga ginagago ninyo?” bungad umano ng suspek sa magkasintahan.

Sinagot naman umano ito ng biktima ng, “Paano ka namin ginagago, eh tapos na kayo nitong girl friend ko?”

“Gusto mo butasin ko lalamunan mo?” ayon pa umano sa suspek, at saka bumunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima sa likod bago tuluyang tumakas. (Mary Ann Santiago)