Hindi na nagulat ang Liberal Party (LP) sa pasadsad na satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo, batay sa resulta ng first quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas kahapon.

Ayon kay LP President Senator Francis Pangilinan maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay bumaba rin ang popularidad.

“It is expected that there will be drops as well as increases in her satisfaction ratings. Even the President suffered a 7-point drop. The 11-point drop means that a segment of the population may not be in agreement with a number of positions she has taken, but that is expected as well,” paliwanag ni Pangilinan.

Ayon naman kay Senate Deputy Minority Leader Senator Bam Aquino, sa dami ng black propaganda laban kay Robredo ay tiyak na sadsad ito sa mga survey.

Tsika at Intriga

'Pati aso dinamay!' Nananahimik na si Daniel, nakaladkad dahil kay Anthony

“This was expected with all the black propaganda against her, but it only affected a smaller percentage of the respondents, as the majority are still supportive of the Vice-president,” ani Aquino.

Bumaba ng 11 puntos ang public satisfaction rating ni Robredo batay sa nationwide survey sa 1,200 respondent nitong Marso 25 hanggang 28.

Natuklasan na 53 porsiyento (%) ang “satisfied” sa performance ni Robredo sa nakalipas na tatlong buwan. Samantala, 27 % ng mga Pilipino ang “dissatisfied” at 19 % ang “undecided”.

Bunga nito, ang net satisfaction rating ni Robredo ay nasa “moderate” +26 (percentage ng satisfied minus percentage ng dissatisfied) mula sa “good” +37 (58 percent satisfied at 21 percent dissatisfied) sa survey noong Disyembre 2016.

Patuloy na dumadausdos ang rating ni Robredo mula sa unang net rating nito na +49 noong Setyembre 2016.

(Ellalyn De Vera-Ruiz at Leonel M. Abasola)