IAAF Russian Athletes

MONACO (AP) — Dalawang dating world champion ang kabilang sa pitong Russian athlete na pinayagan ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) na muling makalaro sa international competition habang nasa ilalim ng banned ang Russia bunsod ng doping.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 12 Russian ang pinahintulutan ng IAAF na muling makalaro sa international meet bilang ‘neutral’. May 10 pa umanong inaasahang mabibigyan ng permiso.

Kabilang sa mga napayagan na sumabak sina 110-meter hurdler Sergei Shubenkov at high jumper Maria Kuchina. Kapwa nagwagi ng gintong medalya ang dalawa sa 2015 world championships sa Beijing at inaasahang maidedepensa nila ito sa London sa Agosto.

Ginang, na-swipe wrong sa dating app; na-scam ni 'Mr. Right' ng higit <b>₱</b>100K

Para payagan, kakailaganin ng mga atleta na maipakita ang resulta na nasuri sila ng non-Russian agency sa IAAF doping review panel.

Gayundin, sinabi ng IAAF na sasailalim pa rin ang mga atleta sa proseso ng “subject to acceptance of their entries by individual meeting organizers,” tulad ng Diamond League series. Ang 14-meet circuit ay magsisimula sa Mayo 5 sa Doha, Qatar.

Liyamado si Shubenkov sa world championship bilang bronze medalist noong 2013 at two-time European champion.

“There can be no time constraints on a process which has been established to safeguard the rights and aspirations of the world’s clean athletes and is about rebuilding confidence in competition,” pahayag ni IAAF President Sebastian Coe.

Sa kanyang muling pagsabak, dala na ni Kuchina ang pangalang Maria Lasitskene dahil nakatakda itong magpakasal.

“I’m as pleased as it’s possible to be in this situation,”pahayag ng Russian agency R-Sport. “This was always our legal right. This should not have had to happen.”

Ang iba pang atleta na pinayagan ng IAAF ay sina high jumper Daniil Tsyplakov, ikalima sa 2015 Worlds, pole vaulters Illia Mudrov at Olga Mullina, at race walkers Sergey Shirobokov at Yana Smerdova.