Katy copy copy

HINDI natatakot si Katy Perry sa malaking pagbabago sa kanyang itsura at hairstyle.

Ginulantang ng 32-anyos na singer ang kanyang mga tagahanga nitong nakaraang buwan sa kanyang hairstyle na mala-Miley Cyrus, pero lalo pang pinaiklian ni Katy ang kanyang buhok na all blonde na rin ngayon.

Ibinunyag ni Katy sa kanyang Instagram Stories na ang ang nasa likod ng kanyang bagong hairstyle ang celebrity hairstylist ay si Chris McMillan, na nakilala nang husto sa “The Rachel” cut ni Jennifer Aniston sa Friends.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tinukoy din ng pop star ang singer na si Annie Lennox at ang modelong si Agyness Deyn ang inspirasyon ng kanyang bagong style.

Nang makausap ng ET sa Grammys noong Pebrero, ibinahagi ni Katy ang tungkol sa pagpapakulay niya ng blonde sa kanyang buhok.

“I was just telling you that it’s like, the last color in the spectrum that I can do,” aniya. “I’ve done all of them and the only thing left to do is shave my head, which I’m really saving for a public breakdown. I’m down for that.”

(ET Online)