Kalaboso ang isang vendor na umano’y nagnakaw ng kuryente sa Manila City Government sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kamakalawa.

Binitbit ng mga tauhan ng Manila City Engineering Office (MCEO) at Manila Police District (MPD)-Station 5, ang suspek na si Meriam Toleco, 39, ng Block 5 Extension, Baseco Compound, Port Area, Maynila nang masilayan sa kanyang bahay ang isang kable ng kuryente na naka-tap sa linya ng kuryente ng Amadone basketball court na pag-aari ng pamahalaang lungsod.

Dahil dito, agad pinutol ng mga tauhan ng City Engineering ang linya ng kuryente at kinumpiska ang kable at circuit breaker na ginamit sa ilegal na koneksiyon.

Ayon kay Police Supt. Emerey Abating, station commander ng MPD-Station 5, inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Toleco. (Mary Ann Santiago)

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University