MARIAN copy copy

SISIMULAN na ang pre-production ng teleserye ni Marian Rivera sa GMA-7. Ngayong araw naka-schedule ang storycon ng balik-serye ng aktres na may titulong The Good Teacher.

Sa storycon makukumpirma kung totoong kasali sa cast sina Helen Gamboa at Al Tantay.

Kabilang sa cast ng The Good Teacher sina Jillian Ward at ang magkapareha sa “Crush” TVC ng Jollibee na sina Ashley Ortega at Enrico Cuenca. May iba pang kasama sa cast na sa storycon na ipakikilala.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Si LA Madridejos, director ng Meant To Be, ang magiging director ng The Good Teacher, pero tatapusin muna niya ang taping ng rom-com series ni Barbie Forteza and the gang bago simulan ang taping ng serye ni Marian.

Nasulat namin dati na nakipag-meeting si Marian kay Direk LA at nang i-congratulate namin ang director, hindi pa raw sigurado. Pero tiniyak sa amin na siya ang director ni Marian, kaya hindi na ito makakapag-deny.

Maganda at positive ang concept ng The Good Teacher, at masusunod ang gusto ni Marian na mapanood din ito ng mga bata. (Nitz Miralles)