Melai at baby copy

IPINANGANAK na ni Melai Cantiveros ang ikalawang anak na babae nila ni Jason Francisco nitong nakaraang Linggo ng madaling araw, base sa post ng isa sa hosts ng programang Magandang Buhay sa Instagram.

“Hello Philippines And Hello World galing sa amin ni BabyF. Thank you sa lahat ng nagdasal, nakalabas na si BabyF, sobra saya ni Papangcutes and AteMela ? #yehey #BabyF #blessed #thankful #magandangbuhay #MelasonFamily #ThankGod (si papangcutes ang nagpic sa amin).”

Hindi binanggit ng TV host/comedienne kung saan hospital siya nanganak.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Katatapos lang magdiwang nitong nakaraang linggo (Abril 3) ng ikatlong kaarawan ng panganay ng mag-asawa na si Baby Mela.

Pagbati ni Melai sa kanyang post, “Happy Happy 3rd Birthday mahal namin na AteMela mahal na mahal ka ni Mama at Papa anak. Late post ito pero kahapon naalala ko eksakto alas 8 ng gabi April 3, 2014 pinanganak kita, unang araw na nakita kita lumabas ka sa sinapupunan ko at na-realize ko kung gaano kasarap mabuhay sa mundong ito at na-realize namin ni Papa mo ang purpose ng buhay namin ‘tapos ngayon, tatlong taon na nakalipas? Haaay bilis ng panahon at ngayon magiging ate ka na, anak. Salamat kay Lord kay mabait at masunurin kang bata. Lagi andito si Mama at Papa para i-guide , i-love, ipagdasal at suportahan ka, ha? Happy birthday ulit #magandangbuhay #blessed#thankful #pampagoodvibes #happymama#happypapa #thebesthappentoMe #birthday#AteMela #FranciscoFamily.”

Sunud-sunod ang blessings sa mag-asawang Melai at Jason dahil kamakailan naman ay nagkaroon ng blessing ang bagong bahay nila sa Mindoro. (Reggee Bonoan)