SAN BERNARDINO, CALIF. (Reuters) – Patay ang isang special education teacher at isa sa kanyang mga estudyante nang magpaulan ng baril ang asawa ng guro gamit ang isang high-caliber revolver bago nagpakamatay sa North Park Elementary School sa San Bernardino, California, ayon sa pulisya. Isa pang lalaking estudyante ang malubhang nasugatan ng suspek.

Naganap ang pamamaril 13 kilometro ang layo kung saan 14 na katao ang pinatay ng isang mag-asawang Muslim sa pamamaril noong Disyembre 2015.

Sinabi ni Police Chief Jarrod Burguan na lumalabas na murder-suicide ang nangyari.

Kinilala ang salarin na si Cedric Anderson, at ang kanyang asawa ay si Karen Elaine Smith, kapwa 53. Nakatayo ang mga tinamaang estudyante sa likod ni Smith nang magpaulan ng baril ang suspek.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na