ALDEN-GARDO-AT-MAINE copy

KAHIT magkaaway ang pamilya ng ginagampanang karakter nila sa Destined To Be Yours, walang masamang tinapay kina Gardo Versoza at Ronnie Henares dahil sa napakagandang pagkakaibigan nila. Sa katunayan, nami-miss ni Gardo si Ronnie.

Ito ang inamin niya sa kanyang post sa Instagram kamakailan nang i-share niya ang photo ng kanilang tarpaulin para sa GMA primetime series. Natuwa ang netizens at pinuri si Gardo at ang buong production sa nabuong magandang samahan ng kanilang mga idolo sa set.

Samantala, tuloy pa rin ang pagpapakilig nina Benjie (Alden Richards) at Sinag (Maine Mendoza). Napanood nitong nakaraang linggo na nagkita na uli ang dalawa sa anniversary celebration ng radio station nina Sinag.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mala-Cinderella ang naturang episode dahil isinuot ni Benjie kay Sinag ang sapatos nito nang matanggal. Pero nabitin ang mga manonood nang dumating si Trish (Thea Tolentino) at ipinakilala nito si Sinag bilang kaibigan kay Benjie.

Magkaroon pa kaya sila ng second chance? Lalo pang naging kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa Destined To Be Yours.