Isinailalim ng Department of Health (DoH) sa dalawang araw na health screening ang may 320 bilanggo sa Pasugui Sub-Station ng Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro upang matiyak na ligtas ang mga ito sa tri-diseases na tuberculosis (TB), human immunodeficiency virus (HIV) at malaria.

Ayon kay DoH-Mimaropa Regional Director Eduardo Janairo, layunin ng programa, na may temang “Integrated Infectious Disease Systematic Screening on Vulnerable Population.”, na sa tulong ng Pilipinas Shell Foundation, Inc. at Occidental Mindoro Provincial Health Office, ay masuri ang lahat ng bilanggo.

Matatandaang nabunyag kamakailan na ilang bilanggo sa Quezon City Jail at Cebu City jail ang positibo sa HIV.

(Mary Ann Santiago)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental