Tatlong operatiba ng Civilian Active Auxiliary (CAA) ang napatay, habang 11 iba pa ang nasugatan kabilang ang anim na tauhan ng 4th Special Forces Battalion, sa bakbakan sa pagitan ng mga nagpapatrulyang tropa ng Joint Task Force Basilan at Abu Sayyaf Group sa Sumisip, Basilan, kahapon ng umaga.

Sinabi kahapon ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Lt. Gen. Carlito G. Galvez, Jr., na limang miyembro ng CAA at anim na sundalo ang nasugatan sa engkuwentrong sumiklab bandang 7:15 ng umaga kahapon sa Sumisip.

Ayon kay Galvez, walong sugatang sundalo ang dinala sa Zamboanga City at ginamot sa AFP-WestMinCom Camp Navarro General Hospital (CNGH) sa siyudad, habang tatlong iba pa ang dinala sa isang ospital sa Basilan.

“Our engaged troops have recently established a detachment in Barangay Cabcaban in response to the call of the local government of Basilan to secure the area from the threats posed by the Abu Sayyaf bandits. Our soldiers are on security patrols when the encounter occurred,” ani Galvez. (Nonoy E. Lacson)

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente