BALUNGAO, Pangasinan – Dalawang katao, kabilang ang isang batang babae, ang nasawi at 17 iba pa ang nasugatan makaraang bumaligtad ang van na kanilang sinasakyan habang bumibiyahe sa Barangay San Antonio, San Mateo, Isabela, kahapon.

Binabagtas ng Nissan Urvan ang national highway patungong Roxas, Isabela para dumalo sa kasal ng isang kaanak pasado 2:00 ng umaga kahapon nang matanggal ang kanang tie rod hanggang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Eduardo Villaflor, 56, ng Modesta Village, San Mateo, Rizal.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tuluy-tuloy na sumalpok ang van sa isang poste ng kuryente bago bumaligtad at nahulog sa kanal.

Kaagad na nasawi sina Aldrin Gutierrez, 46; at Veronica Salvador, 10 anyos.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

Kabilang sa mga nasugatan sina Merlita Fuentes, 47; Emma Vidal, 54; Agusto Fuentes, 56; Anna Fuentes, 21; Chelvin Regalario, 9; Gervin Regalario, 11; Rizal Vidal, 51, pawang taga-Diliman, Quezon City.

Sugatan din sina Mary Ann Villaflor; Maribeth Vidal; Cenimlab Pajarillo, 6; Charles Amid Pajarillo, 7; Nica Joy Santos, 11; Rosita Villaflor, 57; Lilibeth Alava, 43; Ferly Jane Alava, 19; Christian Alava, 13; at ang driver na si Villaflor, pawang taga-San Mateo, Rizal. (LIEZLE BASA IÑIGO at FER TABOY)