CHARLESTON, S.C. (AP) — Napipintong makamit nina unseeded Daria Kasatkina ng Russia at Jelena Ostapenko ng Latvia ang unang caree WTA title matapos umusad sa championship round ng Volvo Car Open nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Bumalikwas sa Kasatkina sa second set para gapiin si Laura Siegemund 3-6, 6-2, 6-1, sa semifinals, habang naungusan ni Ostapenko si No. 11 Mirjana Lucic-Baroni, 6-3, 5-7, 6-4.

Sa kanilang paghaharap sa finals, isa kina Kasatkina, 19, at Ostapenko, isa ring teen ager, ang makakasikwat ng WTA title sa unang pagkakataon sa kanilang career.

Umusad si Ostapenko sa semis nang mag-withdraw si fifth-seeded Caroline Wozniacki nitong Biyernes.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA