ateneo-021017 copy

Naitala ng Ateneo de Manila ang kanilang unang elimination round sweep matapos itong kumpletuhin sa pamamagitan ng paggapi sa kanilang mahigpit na katunggaling National University 25-17, 25-21, 25-16 kahapon sa pagtatapos ng eliminations ng UAAP Season 79 men’ s volleyball tournament sa Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo, pormal na nakopo ng Ateneo ang unang Final berth habang itinakda naman ang stepladder semifinals para sa sumunod sa kanilang tatlong koponan na kinabibilangan ng NU, University of Santo Tomas at Far Eastern University.

Magsisimula ang stepladder semifinals pagkatapos ng Holy Week break.

ALAMIN: Ang 1734 Murillo Velarde Map at ang teritoryo ng Pilipinas laban sa China

Determinadong makapagtala ng record na elimination round sweep, dinomina ng Blue Eagles ang kabuuan ng laro at halos pinatahimik ang opensa ng Bulldogs sa pamamagitan ng kanilang mabibigat na service at mala-pader na blocking.

Pinaulanan ng Ateneo ang NU ng hits, 39-24 bukod pa sa itinala nilang 10 block kills.

Minsan lang napag-iwanan ang Blue Eagles sa laro sa iskor na 7-12 sa second set na agad din nilang hinabol hanggang sa ganap na makontrol ang laro sa iskor na 20-17.

“NU played well but I guess my players are prepared also. And ‘yun ang pinakamaganda doon. Actually Marck (Espejo) is playing with a fever. Sabi ko nga kanina, ready naman ako. But he said, ‘I’m ready.’ So that’s how I admire my players. Even if they know there’s something wrong, they’re always ready mentally, physically, and spiritually,” wika ni Ateneo Head Coach Oliver Almadro matapos makamit ng kanyang koponan ang kanilang ika-28 sunod na panalo at ikasampung sunod kontra NU.

Nakakaramdam ng pressure dahil sa kanyang academic schedule, nakuha pa rin ni three-time UAAP MVP Marck Espejo na manguna sa panalo sa itinala niyang 16 puntos na kinabibilangan ng 4 na block kills. Sinundan siya nina American Tony Koyfman na may 11 puntos at Rex Intal na may 10 puntos.

Nanguna naman para sa NU si Bryan Bagunas na mayroon lamang 9 na puntos kasunod si Fauzi Ismail na umiskor lamang ng 7 puntos.

Tanging konsolasyon ng NU na nagtapos na may 12-2, panalo-talong marka ang taglay na twice-to-beat advantage kontra sa magwawagi sa unang stepladder match sa pagitan ng UST aT FEU na isang do-or-die game. (Marivic Awitan)