Zanjoe, Bela copy

BUKOD sa FPJ’s Ang Probinsyano, naging habit na rin ang panonood ng televiewers sa teleseryeng My Dear Heart.

Kahit saan kami magpunta, paboritong pag-usapan ang mga eksena nina Heart (Nayomi Ramos) at Dra. Maragaret Divinagracia (Coney Reyes). Ang galing daw ng bagets dahil nakakasabay sa acting ng beteranang aktres.

Narinig din naming pinag-uusapan sa isang restaurant sa Eastwood Mall noong Miyerkules, “Saan kaya na-discover ‘yung bata sa My Dear Heart, ang galing. In fairness, diyan magaling ang ABS-CBN pagdating sa mga show nilang pambata, talagang aabangan mo ang kuwento.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

At habang nasa Trinoma Mall naman kami nitong Huwebes, dahil may kausap kaming tao, ang narinig naman naming usapan, “Hala, hindi natin mapapanood si Heart ng ilang araw dahil dito (tiangge).”

Yes, Bossing DMB, may Summer Tiangge kasi sa Trinoma Acitivity Center.

Tiningnan tuloy namin ang latest na rating ng My Dear Heart, at napatunayang mas pinapanood talaga ito kaysa Destined To Be Yours ng GMA-7. Umabot sa 29.5% ang natiowi derating ng serye nina Nayomi at Coney kumpara sa AlDub na 16.7%.

Winner din sa Metro Manila ang My Dear Heart sa (31.3% versus 18.5%) at sa Urban (30.4% vs 18.5%).

Bukod kina Nayomi at Ms. Coney, kasama rin sa My Dear Heart sina Zanjoe Marudo, Bela Padilla, Ria Atayde, Erik Quizon, Joey Marquez, Susan Africa, Rio Locsin, Loisa Andalio, Mark Oblea, Jameson Blake, Rubi-Rubi at ang batang kaibigan ni Heart na si Enzo Pelojero alyas Bingo. (Reggee Bonoan)